Miyerkules, Hunyo 9, 2010

Pambansang Simbolo ng Pilipinas

Pambansang Simbolo ng Pilipinas

Pambansang Awit: Lupang Hinirang
Pambansang Bayani: Dr. Jose Rizal (ayon sa libro), Gat Andres Bonifacio (para sa mga palaban)
Pambansang Hayop: Kalabaw (katulong ng magsasaka)
Pambansang Ibon: Banoy o sa Ingles ay Monkey-eating eagle (dati maya)
Pambansang Isda: Bangus (akala ko galunggong)
Pambansang Laro: Sipa (bakit ito, eh, wala namang pambansang tournament para dito, pwede na itong palitan ng basketball, billiard o boxing)
Pambansang Puno: Narra, hindi akasya
Pambansang Bulaklak: Sampaguita, hindi yung manganganta
Pambansang Gulay: Kalabasa (kaya yata maraming kalabasa ang utak sa gobyerno)
Pambansang Talbos: Kangkong (basta’t huwag lang sa kangkungan dalhin ng mga trapo ang bansa)
Pambansang Prutas: Mangga
Pambansang Dahon: Anahaw
Pambansang Damit: Barong Tagalog para sa Lalaki (paano sa Visayas, Ilokos, at iba pa kung Tagalog ito); Baro't Saya para sa babae
Pambansang Tirahan: Bahay Kubo (pinagandang tawag sa barung-barong na tirahan ng mga iskwater)

Iba pang pambansang simbolo:

Pambansang Absentee: Mga kongresistang laging absent sa Kongreso, tulad ng nangyari sa Freedom of Information (FOI) bill na di naipasa dahil walang quorum
Pambansang Alak: Gin (pangmahirap); Fundador (pangmayaman)
Pambansang Awit ng Mahihirap: Anak Ng Mahirap - Freddie Aguilar
Pambansang Inumin: Tubig (hindi softdrinks o beer)
Pambansang Inihaw: Barbeque (kung may badyet); Isaw (kung nagtitipid)
Pambansang Barangay: Barangay Ginebra
Pambansang Artista: Vilma Santos (kung Vilmanian ka); Nora Aunor (kung Noranian ka naman), Sharon Cuneta (idol ko)
Pambansang Mang-aawit: Regine Velasquez, ang Asia's songbird
Pambansang Bayani na nasa ibang bansa: mga OFW
Pambansang Blogger: Pia Montalban, ilang beses nang nanalo sa blogging sa internasyunal
Pambansang Broadcaster: Kara David, na kapapanalo pa lang sa internasyunal dahil sa kanyang mga balita’t dokumentaryo
Pambansang Sex Symbol: Ara Mina, tinagurian siyang sex goddess noon, at dati kong crush
Pambansang Kamao: Manny Pacquiao
Pambansang Paa: Itanong nyo kay Pacquiao
Pambansang Tuhod: ang lolo ko, laging naka-Arthro, at minsan naka-Planax
Pambansang Laro sa baraha: Tong-its
Pambansang Ulam: Lechon - Kaya marahil may Parada ng Lechon sa Balayan, Batangas tuwing ika-24 ng Hunyo
Pambansang Manok: Jollibee
Pambansang Baboy: Pork Barrel
Pambansang Bolero: Gloria Arroyo (nagsabi nuong Dec. 30, 2002 na di siya tatakbong pangulo pero tumakbo pa rin)
Pambansang Kataga: I’m Sorry, ayon kay GMA noong Hello Garci scandal
Pambansang Magnanakaw: Tanong nyo sa mga pulitiko kung sinu-sino sa kanila ang maiboboto, o kaya itanong nyo kay GMA, tiyak alam nya ang sagot
Pambansang Berdugo: Jovita Palparan daw, sabi ng mga militante
Pambansang Problema: Kahirapan ng masang Pilipino
Pambansang Sugarol: Erap Estrada, na laging nagsusugal kaysa mamuno sa bansa noong pangulo pa siya
Pambansang Sugal: Jueteng, ito ang dahilan ng pagbagsak ng isang pangulo
Pambansang Partido: Partido Bolero ni GMA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento